Nagkaroon ng pagkakataon ang OPM Icon at “Kakampink” na si Gary Valenciano sa isang sit-down interview kay Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang podcast. Ni sa hinagap nga raw ay hindi niya naisip na posibleng maka-one-on-one niya ang pinakamataas na lider ng bansa.
“Here’s a spiel I never ever thought that I would ever deliver. Friends, join me as I welcome the President of the Republic of the Philippines, President Ferdinand Marcos Jr.,” wika ni Gary V sa teaser ng naturang interview na shinare niya sa kanyang social media accounts nitong Oktubre 3.
Sobrang unexpected raw ito para sa Mr. Pure Energy ng ‘Pinas, dahil napagbigyan siya ni PBBM. Matatandaan rin na nasa kabilang bakod siya noon at kinakampanya si Leni Robredo na kalaban ni PBBM sa pagka-pangulo.
“On this episode of Unshaken, we get to sit down with the person behind the office. President Ferdinand Marcos Jr. joins Gary V.
“Just two people sitting across from each other, talking about the person behind the public persona. No podium. No press conference. No political debate,” caption naman ni Gary V sa kanyang post.
Ano nga kaya ang mga itatanong ng singer sa Pangulo ng Pilipinas? May mga isyu ba siyang nais na linawin ni PBBM?
“Most people know the name before they know the man. But behind every public figure is a private story,” paglalarawan naman ni Gary V sa magiging buod ng kanilang pag-uusap.
Mapapanood ang special episode na iyan sa podcast ni Gary V sa Lunes, Oktubre 5. (Jun Lopez)


