WebClick Tracer

Ermat binoga 4-anyos na anak matapos matalo sa custody case

Crime scene investigation in Houston following a tragic child custody case shooting

Isang ina sa Houston, Texas ang binaril at napatay ang kanyang 4-anyos na anak bago niya tinangkang kitilin ang sarili, ilang oras matapos matalo sa custody battle laban sa ama ng bata.

Ayon sa pulisya, dapat sanang ibibigay ni Cibelle Savella, 35, ang anak na si Vivian sa kanyang dating asawa na si Aaron, matapos ipag-utos ng korte na mapunta sa ama ang primary custody.

Kasama sa mga bagong restriksyon sa ina ang pagbabawal na kausapin ang anak sa native Portuguese nang walang supervisor na nakakaunawa sa wika.

Gayundin ang pagbabawal sa pagdalo sa ilang school at extracurricular activities ng bata.

Inatasan din siyang magbayad ng child support at kalahati ng ilang medical expenses.

Ngunit bago pa man mailagay sa kustodiya ng ama ang bata, nangyari ang pamamaril sa bahay ng ina noong Setyembre 29, dahilan para mamatay ang kanyang anak.

Namatay din si Cibelle makalipas ang isang araw matapos barilin ang sarili at maospital.

Inihayag naman ng pamilya ng bata na labis silang nagdadalamhati sa nangyari, habang sinabi ng abogado ng ama na hindi niya inakalang hahantong sa ganitong trahedya ang custody case. (AM)