Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) laban sa hoarding at profiteering ng mga bottled water, plastic drum, at iba pang water container habang nagbabanta ang super El Niño.
Ayon sa DTI, sapat pa ang suplay ng mga naturang produkto ngunit tiniyak nitong mahigpit na babantayan ang price monitoring sa mga ito.
Paiigtingin din umano ng ahensya ang pakikipag-ugnayan sa mga manufacturer at distributor upang matiyak na tuloy-tuloy ang suplay.
Paalala ng DTI, ang hoarding at profiteering ay itinuturing na price manipulation sa ilalim ng Price Act of 1992, kung saan ang lalabag ay maaaring makulong ng 5 hanggang 15 taon at pagmultahin ng P5,000 hanggang P2 milyon, bukod sa iba pang posibleng parusa. (AM)


