WebClick Tracer

DepEd iniimbestigahan pagkasawi ng 2 estudyante sa Isabela

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga pamilya at school community ng dalawang estudyanteng nasawi sa isang fun run sa Cauayan South Central School sa Isabela.

Sa isang pahayag nitong Sabado, sinabi ng DepEd na nagsasagawa na ito ng kaukulang hakbang upang alamin ang mga pangyayari sa likod ng insidente.

Nakikipag-ugnayan na rin umano ang ahensya sa lokal na pamahalaan at law enforcement authorities.

“A fact-finding investigation is underway, including a review of the activity, safety measures, equipment used, and the roles of those involved,” pahayag ng DepEd.

Ayon sa DepEd, magsasagawa ito ng kaukulang aksyon batay sa magiging resulta ng imbestigasyon.

Hinimok din ng DepEd ang publiko na igalang ang privacy ng mga naapektuhang bata at kanilang pamilya at iwasang magbahagi ng hindi beripikadong impormasyon, pangalan, larawan o video. (AC)

KW: DepEd Cauayan City Isabela fun run estudyante

FB: Iniimbestigahan ng DepEd ang pagkasawi ng dalawang estudyante sa isang fun run sa Cauayan South Central School sa Isabela. Nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa lokal na pamahalaan at law enforcement authorities kaugnay ng insidente.