WebClick Tracer

Dennis Trillo triggered sa opinyon ni Gelli de Belen: ‘8080’ maniniwala kay Gagay

Uminit ang ulo ng aktor na si Dennis Trillo sa naging pahayag ng aktres na si Gelli de Belen sa isang podcast, kung saan nanawagan siya na kumalma ang aktor sa muling pagkaungkat ng dating relasyon nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia. Bobo lang umano ang sasang-ayon sa sinabi ni “Gagay”.

Nitong Oktubre 2 nang lumabas ang pagbibigay ng opinyon ni Gelli sa isyu nina Patrick, Jennylyn, Dennis, at sa mga anak nitong sina Michelle Celeste at Alex Jazz, sa podcast na “Chika Cart”.

“Easy lang guys,” payo ni Gelli.

“Hindi kailangang maging ganito kalaki. The reason why this was brought up kasi because nasasaktan ‘yung anak ni Patrick. Sa kagustuhan namang makatulong nu’ng ama, parang lalong nagkaroon naman ng problema. Tapos ang dami nang..nanganak na, parang na-involve na nang na-involve.

“Sana huwag nating kalimutan na may mga batang pinag-uusapan dito.

“Sila talaga ang pinaka-importante dahil ‘yung mga magulang, mga nakakatanda, nakapag-move on na sila sa mga buhay nila. So sana, let’s show the young ones what is right. What should be done, and not show them all this bad stuff,” paliwanag ni Gelli.

Nang i-post ito sa Instagram page ng naturang podcast, hindi nakapagtimpi si Dennis na magkomento rito.

“@gellidebelen nananahimik kami… lahat yan ay natural na reaksyon ng matinong TAO! Pasalamat kayo, dinaan ko nalang sa ganyan. Oo kawawa talaga mga bata, may mga anak din kami! Sisihin mo yung nagsimula ng gulo!” ani Dennis.

“Agree lang ng agree ang mga #8080,” banat pa nito sa mga kasama ni Gelli sa naturang episode na sina host Donita Nose, Jeff Fernando at Baninay Bautista.

Tila nga raw may kinakampihan ang mga ito patungkol sa isyu nila.

“Ako lang ba o parang may kinakampihan ang mga magagaling na ito? Congrats sa new show sa GTV !!!! Bagay na bagay kayo jan [poop emojis],” hirit pa ng mister ni Jennylyn.

Sa kanyang Threads account, nag-post pa si Dennis.

“#GAGAY,” ani Dennis. Kilala si Gelli de Belen sa karakter at pagbida sa “Gagay: Prinsesa ng Brownout” movie noong dekada 90. (Jun Lopez)