WebClick Tracer

Chito Miranda kinilig sa collab nina Alex Eala, EJ Obiena

Ikinatuwa ni Chito Miranda, vocalist ng Parokya ni Edgar, nang gamitin nina tennis superstar Alex Eala at Asia’s top pole vaulter EJ Obiena ang kanta nilang “Akala” sa collab content nito.

Nagsama nga ang dalawang sports icon ng Pilipinas sa isang TikTok post nitong Oktubre 2 upang i-flex ang napanalunan nilang mga medalya sa dinaraos na Asian Games 2026 sa Japan.

Idi-nub nila ang kantang “Akala” na may lyrics na ganito:

“Akala ko foreign yun pala Pinoy… Akala ko blackjack yun pala pusoy…Akala ko talo yun pala panalo…Akala ko si Chito, yun pala ako.

“Akala ko dati walang mangyayari… Akala din nila ngayon wala silang masabi… Akala ng lahat mapapagod din ako…Mabuti nalang matigas ang aking ulo.”

Nakakuha ng gintong medalya si EJ, habang bronze naman ang kay Alex. Nagsayaw rin sila sa tuwa habang hawak ang kani-kanilang medalya at pinagdikit pa ito.

May mga nagsabing bagay daw pala sina Alex at EJ. Nakaramdam nga raw ng kilig si Chito nang mapanood silang dalawa.

“Naging kilig song yung ‘Akala’ haha! Joke lang, mga idol!” post ng vocalist sa kanyang Facebook account nitong Sabado nang i-share niya ang collab ng dalawang atleta.

“Congrats, and mahal namin kayo!” dagdag pa ni Chito.

Joke lang daw ni Chito na kinilig siya, dahil may longtime girlfriend na si EJ na isa ring atleta at German.

Tila wala ring panahon sa love life si Alex sa sobrang hectic ng schedule niya sa WTA commitments. (Jun Lopez)