Ikinaaliw ng mga netizen ang sexy yet funny na eksena nina Cheska Fausto at Buboy Villar sa kanilang action serye. Ini-spoof kasi nila ang nag-viral na pagtatanong ni House Prosecutor Rep. Bel Zamora sa impeachment trial ni VP Sara Duterte.
Umingay sa social media ang paraan ng pagsasalita ng mambabatas sa hearing na iyon sa direct examination niya kay Police Major Jerickson Sangalang kaugnay sa umano’y 22 registered firearms ng bise presidente.
Masyado raw intense ang delivery ni Rep. Zamora at seductive, kaya naman naging internet meme na ito.
Sinakyan naman ng “Taskforce Firewall” ang pagiging viral nito.
“Something exciting coming up, ‘di ba? [laughs] Basta panoorin niyo na lang,” ani Cheska sa kanyang Instagram stories nitong Oktubre 2. Inanyayahan nga ng aktres ang lahat na manood sa kanilang action serye.
Nang ipalabas ang sinasabi niyang episode, ikinahagalpak ng mga netizen ang eksena nila ni Buboy.
Habang nag-uusap kasi sila ni Buboy, bigla itong nagtanong tungkol sa baril na nakasukbit sa aktor.
“Tama ba sa isang agent… na may ganito kalaking…buh-real [baril]?” nang-aakit na say ni Cheska. Hinimas-himas din niya ang baril ng aktor.
“Ano ka ba? Huwag mong hawakan ang buh-real ko!”
“Trip mo na naman ako ah!” linya naman ni Buboy sa eksena nila na iyon.
Marahil, ang direktor nilang si Rico Gutierrez ang nakaisip na isingit ang skit na iyon sa kanilang palabas.
“Buh-real ba, Leila? [LOL emoji],” ani Direk Rico nang i-share niya ang eksenang iyon nina Cheska at Buboy.
Bagay na bagay naman din kasi kay Cheska ang pag-spoof kay Rep. Zamora. Sa mga titig pa lang ng sexy actress, talagang manlalambot ang sinumang ka-eksena niya.
Lalo pa kaya kung hinimas-himas pa niya ang pag-aari ng isang lalaki?
Oh tukso, layuan mo kami! Hahaha! (Jun Lopez)


