WebClick Tracer

Bulkang Mayon bumuga ng abo

Bumuga ng abo ang Bulkang Mayon nitong Sabado ng umaga, Oktubre 3, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, naitala ang ash emission event sa Bulkang Mayon nitong alas-8:04 ng umaga.

Nagdulot umano ito ng grayish plume na umangat ng 200 metro sa ibabaw ng crater ng bulkan bago tangayin patimog-kanluran.

Nai-record naman ito ng Calbayog Station (VMCB) RasPi Camera.

Nananatili ang Alert Level 2 sa Bulkang Mayon at ipinagbabawal ang pagpasok sa anim na kilometrong permanent danger zone, ayon pa sa Phivolcs. (AC)