Umabot sa 6,337 ang pumasa sa Civil Engineer Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRCS).
Ayon sa PRC, katumbas nito ang 37.14% pasado sa 17,062 kabuuang bilang ng mga indibidwal na kumuha ng licensure exam.
Isinagawa ang pagsusulit sa 19 testing center sa iba’t ibang bahagi ng bansa noong Setyembre 2026.
Nanguna si Jude Bernard Villarba Miñoza mula sa Cebu Institute of Technology University na may 93.95% rating. (AM)


