Arestado ang isang 18-anyos na lalaki matapos masamsam mula sa kanya ang P4.9 milyong halaga ng marijuana sa Urdaneta, Pangasinan.
Kinilala ang lalaki na residente ng Bacnotan, La Union, na nahuli sa buy-bust operation ng Urdaneta City Police noong Biyernes, Oktubre 2.
Nakumpiska sa suspek ang 27,730 gramo ng tuyong marijuana leaves, 511 gramo ng marijuana kush, at 240 mililitro ng liquid marijuana, na may kabuuang standard drug price na P4,913,400.
Nakuha rin ang isang .22-caliber revolver na walang serial number at may anim na bala, isang cellphone, at mga pekeng perang ginamit bilang boodle money.
Nasa kustodiya na ang suspek at nahaharap sa mga kasong Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (AM)


