WebClick Tracer

Vice Ganda, Vhong Navarro binatikos sa panggagaya sa rebulto ni Rene Baterbonia

Binatikos ng mga tagasuporta ni Rene Baterbonia ang mga noontime show host na sina Vice Ganda at Vhong Navarro.

Viral ngayon sa social media ang video clip mula sa It’s Showtime, kung saan mistulang ginaya umano nina Vice at Vhong ang pose ng life-size sculpture ni Rene.

Gayunman, hindi naman nila direktang inugnay ang sinasabing pose sa rebulto ni Rene.

Matatandaang ginawa ang sculpture bilang tribute sa nasawing student-athlete at inilagay sa Talacogon, Agusan Del Sur.

Ayon sa mga tagasuporta ni Rene, hindi raw magandang biro ang ginawa nina Vice at Vhong at nagpapakita ito ng kawalang-respeto.

May ilang netizen naman ang dumepensa sa dalawa at sinabing tila nagiging “selective” ang Rene supporters dahil marami naman umanong gumagawa na nito.

Sabi naman ng iba, posibleng nagkataon lang at hindi direktang ginagaya nina Vice at Vhong ang rebulto. (AM)