Posibleng tumaas ang presyo ng gasolina at kerosene sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE) nitong Biyernes.
Sa isang panayam, sinabi ni DOE Oil Industry Management Bureau director Rino Abad na nakabatay ang presyo sa galaw ng international oil prices sa nakalipas na apat na trading days.
Posible aniyang tumaas ng P1.50 kada litro ang gasolina at P2.00 naman ang kerosene.
Samantala, maaari namang bumaba ng P1 ang presyo ng diesel sa susunod na linggo.
Ang opisyal na price adjustment sa mga produktong petrolyo ay inaanunsiyo tuwing Lunes at ipapatupad naman ng Martes. (AM)


