WebClick Tracer

SEC chief nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni ex-Prime Minister Cesar Virata

Nagpaabot ng pakikiramay si Securities and Exchange Commission (SEC) Chairman Francis Lim sa pamilya at mga mahal sa buhay ni dating Prime Minister at Finance Minister Cesar Virata.

Ayon kay Lim, inialay ni Virata ang kanyang buhay sa paglilingkod sa bayan at sa pagpapalakas ng ekonomiya at financial system ng Pilipinas.

Binigyang-diin din ng SEC chairman ang naging malaking ambag ni Virata sa Philippine capital market.

Isa si Virata sa mga incorporator ng Philippine Stock Exchange (PSE) at naging pangunahing tagapagtaguyod ng fixed-income trading platform ng bansa.

Sinabi rin ni Lim na nakatulong ang mga ginawa ni Virata sa pagbuo ng mga institution at market infrastructure na naging bahagi ng pag-unlad ng mas malalim, moderno at matatag na capital market sa Pilipinas.

Aniya, hindi lamang sa paggawa ng polisiya at paglilingkod sa gobyerno umabot ang kontribusyon ni Virata dahil nakatulong din ito sa paghubog ng mga financial institution at market na patuloy na nagsisilbi sa ekonomiya ng bansa hanggang ngayon. (IS)