Naglabas ng resibo si Kamanggagawa party-list Rep. Eli San Fernando na isa si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis “Tol” Tolentino sa mga humaharang sa pagbuwag sa regional wage board.
“Confirmed. It turns out that DOLE Secretary Tolentino is the one who is blocking the PROVINCIAL RATE,” ani San Fernando sa kanyang social media post na ang tinutukoy ang House Bill (HB) 8081 o “National Minimum Wage Act”.
Sa ilalim ng nasabing panukala, bubuwagin ang mga regional wage board at papalitan ito ng national wage board upang maging ang sinasahod ng mga manggagawa ay National Capital Region (NCR) ay siyang sahod din ng mga obrero sa mga probinsya.
Nakapasa sa House committee on labor na pinamumunuan ni Cavite Rep. Ramon Jolo Revilla ang nasabing panukala noong Pebrero 2026 matapos suportahan ng mahigit 200 Congressmen kasama na si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III.
Gayunpaman, hanggang ngayon ay hindi isinasalang sa plenaryo ang nasabing panukala kaya nakipagdayolo at sumulat si San Fernando kay Tolentino ukol sa nasabing panukala na sinagot ng kalihim noong July 17, 2026.
Kasama sa sulat ni Tolentino kay San Fernando ang technical inputs at comments sa nasabing panukala na pinaniniwalaan ng mambabatas na hindi sinusuportahan ang kalihim ang nasabing panukala.
“A uniform national minimum wage may offer administrative advantages, particularly by establishing a single wage floor that is easier to communicate and implement. However, it may also involve significant trade-offs. Applying the same wage floor across regions with varying economic conditions could constrain employment generation in less developed areas, where productivity levels and enterprises capacity are generally lower,” bahagi ng komenta ng DOLE sa nasabing panukala.
Para kay San Fernando, resibo ito na isa si Tolentino sa humaharang ang nasabing panukala kaya hindi ito naisasalang sa plenaryo para maaprubahan.
Itinulak ang nasabing panukala dahil pare-pareho umano ang trabaho ng mga obrero sa NCR at mga probinsya subalit magkakaiba ang kanilang sahod dahil magkakaibang wage board ang nagdedesisyon sa umento ng mga manggagawa. (Bernard Taguinod)


