WebClick Tracer

Robin Padilla nagtanong sa kaso ng 15-anyos na may dalang baril, bala sa iskul

Nagtanong si Sen. Robin Padilla sa maaaring kaharapin na kaso ng isang 15-anyos na estudyante na nakuhanan ng baril at mga bala sa loob ng isang paaralan sa Catarman, Northern Samar.

“Paano kaya yan balita ko 15 yrs old ang may dala ng baril na ito, ano po kaya ang ikaso dyan?” saad ni Padilla.

“Magagamit kaya ang tsapa/badge ng pagiging menor de idad niya sa juvenile justice law?

Abangan natin ito,” dagdag niya.

Dinakip ang Grade 10 student matapos marekober sa kanya ang isang .45 caliber pistol, apat na magazines at 10 bala. (IS)