Nakatakdang bumisita sa bansa ang Poland president na si Karol Nawrocki para sa isang state visit simula Oktubre 5 hanggang Oktubre 8.
Ito ang kauna-unahang pagbisita sa Pilipinas ng Polish head of state para palakasin ang relasyong bilateral ng Poland.
Ang state visit ng Polish President ay inaasahang magbubukas ng oportunidad para sa kooperasyon ng Pilipinas at Poland sa larangan ng depensa at seguridad, kalakalan at pamumuhunan, agrikultura, science at technology, information and communications technology, legal cooperation at turismo.
Inaasahang tatalakayin nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Nawrocki ang regional at pandaigdigang mga isyu na may interes ang dalawang bansa.
Naitatag ang diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Poland noong September 22, 1973 at sa paglipas ng panahon ay lumakas ang relasyon ng dalawang bansa kung saan naging bahagi ang Poland bilang mahalagang economic partner ng Pilipinas. (Aileen Taliping)


