Certified tito na nga ang aktor na si Ruru Madrid mula nang isilang ng kapatid niyang si Rere Madrid ang baby boy nila ng mister na si Kai Sotto. Nauna pa nga ang aktor na i-reveal ang binigay na pangalan ng celebrity couple sa kanilang unang anak.
“Tito Ruru na ako! Congratulations, Bunso at Bayaw, sa isang napakagandang biyayang ipinagkaloob sa inyo,” ani Ruru sa kanyang Instagram post nitong Oktubre 1.
Binisita nila ng girlfriend niyang si Bianca Umali ang bagong panganak na si Rere, at siyempre pa, tuwang-tuwa silang makita ang kanilang pamangkin.
“Nandito lang kami ni Tita Bianca para sa’yo, Baby Atlas. We’ll be here to watch you grow, support you, and love you every step of the way,” say pa ni Ruru.
Tila nauna pa nga si Ruru na mag-reveal ng pangalan ng kanyang pamangkin kaysa sa mga magulang nito na sina Rere at Kai, huh! Baby Atlas kasi ang sinabi ng aktor.
“Welcome to the world, Atlas. We love you!” dagdag pa ni Ruru.
Aniya pa, hindi madali ang pinagdaanan nina Rere at Kai sa kanilang relasyon kaya proud siya na kinaya ng mga ito ang lahat ng pagsubok.
“Re @reremadrid , sobrang proud ako sa’yo. Mommy ka na! Alam kong hindi naging madali ang lahat, pero look at you now. You did it, Bunso.
“Bayaw @kzsotto , alam ko rin na hindi madali para sa’yo na mapalayo kay Baby, pero ginagawa mo ito para sa kanila. Saludo ako sa’yo, Bayaw,” mensahe pa ni Ruru sa proud parents ni Baby Atlas. (Jun Lopez)


