WebClick Tracer

Palasyo tiniyak na hindi kakapusin inuming tubig kahit may El Niño

Sapat umano ang suplay ng inuming tubig sa bansa kahit mayroong super El Niño.

Ito ang tiniyak ng Malacañang sa harap ng ulat na may mga nagho-hoard na umano ng bottled water at mga timba dahil sa inaasahang super El Niño na magiging mas matindi umano ang epekto sa bansa.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, walang impormasyong naiparating sa Palasyo na kukulangin ng suplay ng inuming tubig sa panahon ng El Niño kaya walang dahilan para sa maramihang pamimili.

Sinabi ni Castro na taon-taong nakakaranas ng El Niño ang bansa at mayroong Task Force El Niño kaya walang dapat ikatakot na hindi makainom ng tubig sa araw-araw.

Sinabi ni Castro na kapag nag-hoard ng tubig ay maiiba talaga ang suplay at magdudulot pa ito ng dagdag na presyo sa bottled water. (Aileen Taliping)