Panahon na umano para sama-samang i-knockout ang gutom at kahirapan sa bansa.
Ito ang hamon ng Palasyo kay Secretary Manny Pacquiao, lead convenor ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) sa pulong nila ni Executive Secretary Ralph Recto sa Malacañang.
Pinag-usapan ng dalawang kalihim ang mga ilalargang hakbang upang palakasin ang mga programang pangmahihirap.
Target ng administrasyon na maibaba sa 9% ang antas ng kahirapan sa bansa pagsapit ng 2028.
Nais ng Malacañang na mas maging mahigpit ang pagtutulungan ng mga ahensiya upang matiyak na naipapatupad ang mga programang pangmahihirap sa pangunguna ng NAPC na siyang coordinating at advisory body para sa repormang panlipunan at poverty alleviation.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, bumaba ang poverty incidence sa 9.7 percent noong 2025 mula sa 15.5 percent boong 2023, katumbas ng humigit-kumulang 11 milyong Pilipinong nabubuhay sa kahirapan. (Aileen Taliping)


