WebClick Tracer

P3.3T uutangin ng ‘Pinas sa 2027 para sa budget deficit, matured debts – Erice

Tinatayang P3.3 trilyon ang uutangin ng pamahalaan sa 2027 para tustusan ang budget deficit at bayaran ang matured borrowings, ayon kay Caloocan City 2nd District Rep. Edgar Erice.

Sa panayam sa “The Spokes” ng Bilyonaryo News Channel, sinabi ni Erice na aabot umano sa P7.2 trilyon ang projected national budget habang nasa P5.69 trilyon lamang ang inaasahang kita ng gobyerno.

Dahil dito, aniya, tinatayang P1.69 trilyon ang budget deficit na kailangang punan sa pamamagitan ng pangungutang.

Bukod sa deficit financing, sinabi ng kongresista na nasa P1.6 trilyon pa ang kakailanganin para bayaran ang mga government borrowings na magmamature sa susunod na taon.

Sa kabuuan, sinabi ni Erice na aabot sa P3.3 trilyon ang projected borrowings ng bansa sa 2027.

Nagbabala rin siya sa bilis ng paglaki ng utang kumpara sa paglago ng ekonomiya.

“Ang average borrowings ang increase is about 10% a year. Tapos ang ating GDP increase ngayon average of 2.6% ngayong 2026. So mabilis ‘yung pag-utang, mabagal ‘yung paglago. Saan napupunta ‘yung inutang?” saad naman ni Erice.

Panoorin ang buong panayam kay Erice sa October 2 episode ng programang “The Spokes”.

Mapapanood ang programa tuwing Lunes hanggang Biyernes sa Free TV: Channel 31, Cignal: Channel 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TV, Cignal Play, at sa official YouTube and Facebook pages ng Bilyonaryo News Channel. (AM)