Nanggigil ang isang driver sa mga galing sa fun run na umano’y nagbu-book ng biyahe sa mga Transport Network Vehicle Service (TNVS) application nang hindi man lamang nagpapalit ng damit.
“Kayong mga nagfa-fun run kayo ha, sakit niyo rin sa ulo ‘no?” saad ng netizen na si @tsuperfa sa kanyang TikTok post.
Kasabay nito, ibinahagi niya ang kanyang karanasan nang may sinundo siyang nag-book na tatlong runner.
Pagdating umano sa pickup location, nakita niya ang mga ito na pawis na pawis at ang problema pa ay hindi leather ang upuan ng kanyang kotse.
Nagalit naman umano ang mga runner nang palipatin na lang sila sa ibang sasakyan at sinabihan pa raw ang driver na “ang arte”.
Sey naman ng uploader, “Ano feeling niyo sa pawis niyo, amoy bambini?”
“Tao rin kayo, ‘yung pawis niyo, nag-aamoy demonyo rin ‘yan ‘pag nakulob sa kotse,” dagdag pa niya.
Kaya mensahe niya sa mga runner, “Baka naman, na kung magbu-book kayo sa mga TNVS application, siguraduhin niyo namang meron kayong mga pampalit na damit… Bago kayo mag-book, magpalit muna kayo ng mga damit ninyo.” (AM)
@tsuperfa Feeling yata nitong mga member ng fun run amoy bambini yung pawis nila. #TsuperFA #TNVSStory #fypシ゚viral ♬ original sound – tsuperfa


