WebClick Tracer

Mabagal na internet sa ilang parte ng ‘Pinas iniugnay sa undersea cable outage

Nakaranas ng mabagal o putol-putol na internet connection ang ilang user sa Pilipinas nitong Biyernes, Oktubre 2.

Naglabas ng advisory ang ilang telecommunications company at network provider tungkol sa problema na maaaring makaapekto sa bilis at kalidad ng internet connection.

Kabilang sa naglabas ng advisory ang UP Diliman Network Help Desk.

Ayon sa advisory, offline ang undersea cable segment na nagkokonekta sa Pilipinas at Singapore.

Iniimbestigahan na ng Department of Information and Communications Technology ang dahilan ng outage ng cable segment. (IS)