Nagdagdag ng medalya para sa Pilipinas si Kaila Napolis matapos masungkit ang bronze medal sa women’s 52kg jiu-jitsu event ng 2026 Asian Games sa Japan nitong Biyernes.
Tinalo ni Napolis si Tsagaanbileg Altangerel ng Mongolia sa bronze medal match para maiuwi ang kanyang unang medalya sa kompetisyon.
Ang bronze medal ni Napolis ang ika-26 na medalya ng Pilipinas sa 2026 Asian Games, kabilang ang apat na gold, anim na silver at 16 na bronze. (IS)


