WebClick Tracer

Jeus Yape naghatid ng ika-4 ginto ng ‘Pinas sa Asian Games

Nagdagdag si Jeus Gabriel Derick Yape ng gintong medalya sa koleksiyon ng Pilipinas matapos niyang magwagi sa mixed individual virtual taekwondo sa Asian Games 2026 sa Toyohashi Gymnasium sa Japan nitong Biyernes.

Tinalo ni Yape si Chau Ngoc Tuyet Sang Vietnam, 2-0, sa final ng mixed individual virtual taekwondo para makuha ang ikaapat na ginto ng Pilipinas sa torneo.

Sa virtual taekwondo, gumagamit ang mga atleta ng VR headset at motion-tracking sensors para makalaban ang kanilang katunggali sa isang virtual arena gamit ang mga avatar.

Agad ipinakita ni Yape ang kanyang husay sa final matapos makapagtala ng 500 hit points sa unang round.

Bago ang kanyang gold medal performance, nakapag-ambag na rin si Yape ng bronze medal sa men’s individual poomsae noong Huwebes.

Dumaan muna sa mga katunggali mula Saudi Arabia, Japan at Kazakhstan si Yape bago tuluyang umabante sa final.

Nakakuha rin ng silver ang Philippine taekwondo noong Huwebes matapos pumangalawa si Juliana Candelaria sa women’s individual poomsae. (IS)