Nakatikim ng matinding kaltas sa intelligence funds ang National Bureau of Investigation (NBI), na pinamumunuan ni Director Melvin Matibag.
Base sa listahan na inilabas ng House committee on appropriations na pinamumuan ni Nueva Ecija Rep. Mika Suansing, binawasan ng P125 milyon ang confidential funds ng NBI.
Sa ilalim ng 2027 National Expenditure Program (NEP), P175 Milyon ang nakalagay na confidential funds ng NBI subalit sa bersyon ng Budget Amendments Review Subcommittee (BARSc), naging P50 milyon na lamang ito.
Gayunpaman, binigyan ng P30 milyon na intelligence funds ang Office of the Secretary ng Department of Justice (DOJ) at P10 milyon naman sa National Coordination Center Against Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (NCC-OSAEC-CSEM).
Sa ilalim ng NEP 2027, walang inilaang intelligence funds sa tanggapan ng Justice Secretary at maging NCC-OSAEC-CSEM na mahalaga umano para proteksyunan ang mga kabataan sa online abused.
Gayunpaman, binawasan din ang Office of Cybercrime na nasa ilalim ng DOJ dahil mula sa orihinal na P32.4 milyon ay naging P18.2 milyon na lamang sa bersyon ng BARC.
Umabot naman sa P7.8 milyon ang budget ng Victim of Compensation Program ng DOJ mula sa P7.5 milyon sa NEP habang P16 milyon naman para AI powered Docket Management System ang Office of the Solicitor General (OSG). (Bernard Taguinod)


