Isinumite ng International Criminal Court (ICC) Registry ang inamyendahang E-court Protocol kaugnay ng kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, bilang pagsunod sa utos ng Trial Chamber III.
Inatasan ng korte ang Registry na amyendahan ang protocol, kabilang ang pagdaragdag ng URL metadata field para mas madaling matukoy ang source at URL ng mga open-source evidence na isusumite sa korte.
Noong Setyembre 28, tinanggihan ng Trial Chamber III ang kahilingan ng defense ni Duterte na obligahin ang prosecution na magsumite ng expert verification para sa open-source at user-generated evidence.
Ayon sa korte, maaaring magdulot ito ng hindi kinakailangang pagkaantala dahil sa dami ng ebidensya sa kaso.
Una nang binatikos ng defense team ang disclosure ng prosecution, na sinabing magulo ang pagkakaayos ng mga ebidensya.
Matatandaang nahaharap si Duterte sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kanyang war on drug campaign sa kanyang administrasyon.
Nakatakdang magsimula ang trial sa Nobyembre 30. (AM)


