WebClick Tracer

Falcis sa bashers ni Zamora: ‘Baka mas pangit pa kayo kay Cong. Bel!’

Binakbakan ng political commentator na si Jesus Falcis ang mga namba-bash kay San Juan City Rep. Ysabel Maria “Bel” Zamora.

Sa programang “Politiko Talks” ng Bilyonaryo News Channel, diretsahang niresbakan ni Falcis ang mga nang-iinsulto kay Zamora.

“Sa mga namba-bash ng itsura niya ha, my God! Baka mas pangit pa kayo kay Cong. Bel!” saad ni Falcis.

“Tingnan n’yo ang sarili n’yo sa salamin. Nabasag ‘yung salamin!” giit pa niya.

Si Cong. Bel ay nabatikos dahil sa kanyang naging estilo ng pagsasalita at direct examination sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Huwag palampasin ang “Politiko Talks” tuwing Biyernes mula 8:00 PM hanggang 9:00 PM sa Bilyonaryo News Channel! (IS)