Hindi lamang ang mga ahensiya ng pamahalaan ang dapat na handa sa oras ng kalamidad.
Binigyang-diin ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) at Office of the Civil Defense (OCD) na napakahalaga ng pagkakaroon ng malinaw at maagang emergency plan para sa bawat pamilyang Pilipino.
Sa panayam ng programang “The Commanders” ng Abante News TV, na simulcast sa Bilyonaryo News Channel, ipinahayag ni PBGen. Ramon Pranada, hepe ng PNP Command Center, Directorate for Operations, na kailangang alam ng bawat miyembro ng pamilya ang kanilang gagawin at kung saan tutungo sakaling tumama ang isang emergency.
Samantala, nagpaabot din ng mahalagang paalala si OCD Spokesperson Dir. Vicente Gregorio Tomas.
Aniya, ang aktibong pakikibahagi ng bawat mamamayan sa mga paghahanda ay susi upang maiwasang maging dagdag na suliranin sa gitna ng krisis.
Hinimok ng mga kinatawan ng PNP at OCD ang publiko na alamin ang mga hazard sa kanilang lugar.
Dapat din umanong maging pamilyar sa mga evacuation area at safety protocol bago pa man dumating ang emergency.
Paroonin ang buong panayam sa October 2 episode ng “The Commanders” ng Abante, na simulcast sa Bilyonaryo News Channel.
Mapapanood ang programa tuwing Lunes hanggang Biyernes, alas-5 ng hapon, sa Free TV Channel 31, Cignal Channel 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TVs, Blast TV, AmasianTV, Cignal Play at sa YouTube and Facebook accounts ng Abante.


