WebClick Tracer

Driver na nakabundol ng 4-anyos sa Pasig, lifetime ban sa lisensiya

Pinatawan ng Land Transportation Office (LTO) ng perpetual revocation o lifetime ban sa pagkuha ng lisensiya ang driver ng SUV na nakabundol sa isang 4-anyos na bata habang tumatawid sa kalsada sa Pasig City.

Ayon sa LTO, napatunayang lumabag ang driver sa reckless driving at idineklarang “improper person to operate a motor vehicle” matapos ang isinagawang pagdinig at sa mga nakalap na impormasyon.

Naglabas noon ang LTO ng show cause order laban sa driver at rehistradong may-ari ng SUV na sangkot sa insidente sa F. Victorino Street, malapit sa Arch Bambang, Pasig City.

Samantala, nananatiling nasa alarm status ang SUV bilang bahagi ng pagpapatupad ng kaukulang aksiyon ng LTO. (IS)