Umaribang muli ang tawanan sa social media matapos muling mag-post ang aktor na si Dennis Trillo.
Sa kanyang post sa Threads, sinabi ng aktor na seryoso muna siya ngayong araw at magti-taping.
“Good morning! Seryoso muna tayo today… taping muna ako ng HARI ng TONDO! Ofcourse, No Bashing, it’s for fun,” sey ni Dennis.
Isang netizen ang bumanat sa post ng aktor.
Saad ng netizen: “Lakas naman ng loob mo. May ambag ka ba habang lumalaki sila Julia, Claudia at Leon?”
Lumalabas na napagkamalan ng netizen si Dennis Trillo bilang si Dennis Padilla — ang ama ng celebrity siblings na sina Julia, Claudia at Leon Barretto.
Agad namang kinatuwaan ng mga netizen ang nasabing komento dahil sa kapansin-pansing pagkakamali ng naturang bumanat kay Dennis.
“Wrong Dennis. Wrong Dennis. 😂😂.”
“Hoy di ko alam if nagpapatawa ka or what. Si Dennis Padilla yun!!!🤣🤣🤣🤣 I kennat!”
“Houyy hindi sya yon HAHAHAHAHAHA.” (IS)



