Umakyat na sa mahigit 82,000 na mga guro at school head ang na-promote sa pamamagitan ng Expanded Career Progression (ECP) system ng Department of Education (DepEd).
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos pangunahan ang panunumpa ng mahigit apat na libong guro at education personnel na na-promote ng ranggo sa Region II ngayong Biyernes.
Sa kanyang talumpati sa Santiago Sports Arena sa Santiago City, Isabela, sinabi ng Pangulo na magandang pagkakataon ang aktibidad dahil naitaon ito sa pagdiriwang ng National Teachers’ Month.
Tiniyak ng Pangulo na magpapatuloy ang suporta ng administrasyon sa mga guro sa pamamagitan nang pagbawas sa kanilang trabahong administratibo at mapabuti ang benepisyo ng mga ito.
Pinasalamatan ng Pangulo ang lahat ng mga guro at principal sa kanilang dedikasyon sa paghubog sa bawat estudyante para sa kanilang mas magandang kinabukasan. (Aileen Taliping)


