Nasawi ang pitong minero dahil sa hinihinalang gas poisoning sa loob ng mining tunnel sa Itogon, Benguet.
Nangyari ang insidente sa Sitio Dontog, Barangay Ampucao noong Huwebes, Setyembre 30.
Kinilala ang mga biktima bilang sina Bryan Campoas Madrid, 18; Kenjie Ingaan Mangayen, 19; Orviel Kiwingan Valdez, 22; Crisanto Ingaan Gapacan Jr., 19; Hill Limong Padon, 25; Alvin Lazaro Daniel, 21; at Leonardo Bacuteng Pino, 62.
Ayon sa ulat, isinagawa ang search and retrieval operation matapos i-report ng isang saksi ang insidente.
Nakuha ang mga biktima bandang alas-11 ng umaga noong Huwebes, ngunit idineklarang patay sa pinangyarihan.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang eksaktong sanhi ng pagkamatay at ang mga pangyayari sa likod ng insidente. (AM)


