WebClick Tracer

2-palapag na bahay sa Binondo gumuho

Gumuho ang harapang bahagi ng isang dalawang-palapag na bahay sa Binondo, Manila noong Huwebes ng gabi, Oktubre 1.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa Barangay 272, San Nicolas bandang alas-9 ng gabi.

Bigla na lamang umanong bumagsak ang mga debris at tinamaan ang ilang tao.

May ilan ding na-trap sa loob ng bahay ngunit agad na nailabas ng mga residente.

Aabot naman sa tatlong indibidwal ang naitalang nasugatan.

Rumesponde sa insidente ang Bureau of Fire Protection (BFP) at Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para sa rescue at clearing operations.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng pagguho ng bahay. (AM)