WebClick Tracer

180 Chinese national nahuli sa mga scam hub sa Zamboanga Sibugay

Aabot sa 180 Chinese national ang nahuli sa dalawang magkahiwalay na anti-scamming operation ng mga awtoridad sa Zamboanga Sibugay nitong Biyernes, Oktubre 2.

Ayon sa exclusive report ni Joash Malimban ng Bilyonaryo News Channel, nahuli ang 100 Chinese sa Barangay Tadiong Muslim sa Alicia.

Nakumpiska din sa lugar ang mga computer at cellphone na naglalaman umano ng mga script na ginagamit sa panloloko, partikular sa romance at investment scheme.

Natagpuan din ang kagamitan sa loob ng mga makeshift tent na umano’y ginagamit bilang lugar ng operasyon ng scam activities.

Sumunod naman ang operasyon sa Siay, kung saan tinatayang 80 Chinese national ang nahuli.

Pinangunahan ng National Bureau of Investigation (NBI) Organized and Transnational Crimes Division, katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Bureau of Immigration (BI), ang mga operasyon na bahagi ng kanilang simultaneous joint anti-scamming crackdown. (AM)