WebClick Tracer

13-anyos na anak ni Chad Lowe pumanaw na

Pumanaw na sa edad na 13 si Fiona Hepler Lowe, anak ng actor-director na si Chad Lowe at Kim Painter, noong Setyembre 29 sa isang ospital.

Ayon sa Los Angeles County Department of Medical Examiner, natukoy na suicide ang dahilan ng pagkamatay. Gayunman, patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

Sa pahayag ng pamilya, sinabi nilang labis silang nagdadalamhati sa pagkawala ni Fiona.

“We are deeply heartbroken by the loss of our beloved Fiona,” saad nito. “She was adored by her sisters and she was deeply loved by her parents.”

“In fact, she was the light of our lives. Her passing is devastating for our entire family and we ask for prayers and privacy at this time,” dagdag pa ng pamilya.

Hiniling din nila ang panalangin at privacy habang nagluluksa.

Samantala, hinimok ng pamilya ang sinumang nahihirapan sa mental health na humingi ng tulong sa mga crisis support service. (AM)