May WTA 250 tournament nang gaganapin sa Pilipinas sa susunod na taon.
Ayon sa Philippine Tennis Association, magkakaroon ng WTA 125 sa Enero 2027 na susundan ng WTA 250 sa Nobyembre 2027.
Isa itong malaking upgrade para sa Philippine tennis matapos idaos sa bansa ang kauna-unahang WTA 125 Philippine Women’s Open noong Enero ngayong taon, na naging posible rin dahil sa paglahok ni Alex Eala.
Ang WTA 125 ay challenger event lamang at hindi itinuturing na tour title.
Samantala, ang WTA 250 ay bahagi ng opisyal na WTA Tour. (IS)


