WebClick Tracer

What’s the Tea?’ nina Rey Pumaloy, Dondon Sermino, DJ Dian mapapanood sa Mellow 947

Sina Rey Pumaloy, Dondon Sermino, at DJ Dian sa bagong showbiz program na What’s the Tea sa Mellow 947.

Maaari nang abangan kada linggo ang bagong programang “What’s the Tea?” sa Mellow 947.

Makakasama tuwing Miyerkoles, alas-3 ng hapon, sina Abante Radyo showbiz anchor Rey Pumaloy at Dondon Sermino bilang “Enter-TEA-ment Baristas” at si DJ Dian bilang host.

Mapapanood ito sa pamamagitan ng live sa Facebook na Mellow 947 at sa Tiktok na Mellow 94.7 BFM.

Tatalakayin sa programa ang mga bagong usapin sa local at international entertainment, kabilang ang showbiz buzz, blind items at trending stories.

Tiyak na “freshly brewed chika” ang hatid ng ‘What’s the Tea?’ para sa mga tagasubaybay ng entertainment news. (AM)