WebClick Tracer

Vic Rodriguez maghahain ng MR sa ibinasurang petisyon ng SC sa impeachment voting threshold

Si dating Executive Secretary Vic Rodriguez habang nagbibigay ng pahayag kaugnay ng desisyon ng Korte Suprema.

Ikinokonsidera ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez ang paghahain ng motion for reconsideration sa Supreme Court matapos ibasura ang kanyang petisyon laban sa desisyon ng Senate impeachment court, na kaugnay ng voting threshold sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Matatandaan na una nang naiulat na ibinasura ng SC ang petisyon ni Rodriguez, gayundin nina Berteni Causing at Atty. Ernesto Francisco Jr., dahil sa procedural grounds, kabilang ang lack of standing at prematurity.

“We are considering the filing of a motion for reconsideration, and we are given 15 days from receipt of the resolution. As of today, while this interview is ongoing, we have yet to get a copy of the resolution,” ayon kay Rodriguez sa panayam ng Unang Balita.

Kinuwestyon ni Rodriguez ang kapangyarihan ng Senate bilang impeachment court na magtakda ng partikular na bilang ng boto para sa conviction.

Una nang nagpasya ang Senate impeachment court na ibatay ang two-thirds requirement sa bilang ng mga senador na legal at aktuwal na maaaring lumahok sa impeachment proceedings, kung saan pinalitan nito ang naunang ruling na