WebClick Tracer

Trough ng TS Choi-Wan magpapaulan sa VisMin

PAGASA weather map showing the trough of Tropical Storm Choi-Wan bringing rain to Visayas and Mindanao.

Magdadala ng pag-ulan ang trough ng Tropical Storm Choi-Wan, na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao nitong Huwebes.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang tropical storm sa layong 2,945 kilometro silangan ng Central Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kph at pagbugsong hanggang 90 kph, habang kumikilos pa-kanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 15 kph.

Dahil dito, makakaranas ng maulap na panahon at kalat-kalat na pag-ulan sa Eastern Visayas, Caraga at Davao Oriental.

Isolated rain showers o thunderstorms naman ang posible sa Northern Mindanao at nalalabing bahagi ng Davao Region.

Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap hanggang maulap ang kalangitan na may posibilidad ng localized rain showers o thunderstorms. (AM)