Ipinagtanggol ni dating Senadora Leila de Lima si House prosecutor Rep. Bel Zamora matapos makatanggap ng batikos online kaugnay ng paraan ng pagtatanong nito sa isang testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Tinawag ni De Lima na “same old playbook” ang umano’y pag-atake sa mga babae sa halip na harapin at sagutin ang mga isyung kanilang inilalabas.
Pinuri rin ni De Lima ang umano’y lakas ng loob ni Zamora at nanawagan na itigil ang sexism at misogyny.
“Same old playbook! Imbes na sagutin ang issue, idinadaan sa pambabastos at pag-atake sa pagkababae. We salute Rep. Bel Zamora’s courage. STOP SEXISM AND MISOGYNY!” ani De Lima sa kanyang Facebook post. (IS)


