Hindi pa umano puwedeng magtrabaho ngayon ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, ayon kay Vic del Rosario.
Nang kumustahin ni MJ Felipe si Sarah, sinabi lamang ni Vic na “Next year, magtatrabaho na. ‘Yun lang ang masasabi ko.”
“Ayokong manggaling sa akin e pero parang alam naman ng mga tao na hindi siya puwedeng magtrabaho. ‘Yun lang, hanggang du’n lang,” dagdag pa ng Viva boss.
Matatandaang usap-usapan ngayon sa social media ang mistulang pagiging buntis ng singer.
Samantala, sinabi naman ni Vic, “She’s enjoying her… happy life.”
Nagkomento rin naman siya sa umano’y maayos na relasyon ni Sarah sa kanyang mga magulang.
“Sila naman, parating ayos. Never naman sila nag-away. I think, maling ano ‘yun, ‘yung hindi sila bati. Siguro lang, mas napa-publicize ngayon pero dati na silang nag-uusap,” saad pa ni Vic. (AM)


