WebClick Tracer

Raffy Tulfo: Unahing ipresenta bilang witness si Trillanes bago ang AMLC

Senador Raffy Tulfo habang nagmumungkahi na unahing ipresenta si Antonio Trillanes sa impeachment trial.

Iminungkahi ni Senador-judge Raffy Tulfo sa impeachment court na unahing ipresenta bilang testigo si dating Senador Antonio Trillanes IV bago ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

“Kung kukuning witness si former senator Trillanes, much better kung mauna muna siya bago ang AMLC kasi ang mga sasabihin ni Mr. Trillanes ay may kinalaman sa mga bank accounts na kanyang nakalap long time ago,” pahayag ni Tulfo sa pagpapatuloy ng paglilitis nitong Huwebes.

“So kung merong siyang ibubulgar na bank accounts, mga pera pumasok labas sa accounts na nakuha niya sa kanyang source then after makausap natin si Mr. Trillanes ico-confirm yan ng AMLC. So dapat mauna muna si Mr. Trillanes and then AMLC, hindi pwede ang AMLC and then Trillanes.

Ginawa ni Tulfo ang suhestiyon sa gitna ng pagtalakay ng korte sa presentasyon at pagkasunod-sunod ng mga testigo kaugnay ng mga alegasyon ng unexplained wealth at bank records.

Target ng prosekusyon na ipresenta si Trillanes bilang testigo kaugnay ng bank accounts na inuugnay diumano kay Duterte at iba pang indibidwal.

Ang AMLC naman ay inaasasahang tetestigo sa financial records na may kinalaman sa impeachment proceedings. (Dindo Matining)