Pinalagan ng prosecution team ang pahayag ni Senator-Judge Raffy Tulfo na may prosecutor na nagpapa-cute sa witness kung saan ipinaalala ng mga ito na kasama ang mga senador sa nagpasa sa Bawal Bastos Law.
“Well, I think the senator judge had a good sense of not naming the prosecutor involved.
But I don’t think mayroon po nagpapa-cute sa mga witness na mga prosecutors. We are here to do our job. Yung po lahat ng prosecutors involved ay ginagawa yung kanilang gampanin para patunayan po yung articles or impeachment,” ani prosecutor at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon.
Ginawa ng mambabatas pahayag matapos pagsabihan ni Tulfo ang prosecution na maging maingat sa mga testigong ihaharap sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte upang hindi pumalpak ang mga ito.
“Meron pa ngayong kinuha na pinagtawanan tuloy, nagpapa-cute lang habang may kausap na witness na pulis. So ingat kayo sa pagkuha ng mga witness at ingat sa pagsasalang ng mga abogado ninyo diyan,” ayon pa kay Tulfo.
“We respect what he said on whichever matter but we dispute yung po yung binabanggit na mayroon po nagpapa-cute na mga prosecutors sa mga witness. Kung mayroon nagpapa-cute, mas magandang pangalan ho siguro kung sino po yung nagpapa-cute na prosecutor po dito,” ani Ridon.
“Kasi as far as we are concerned, we are focused on the case. We are proud of our prosecutors. Kung mayroon hong cute dito, Lorna Kapunan lang po yung mga kaibigan,” dagdag pa ng mambabatas.
Ipinaalala naman ni Kapunan sa Senador na sila ang nagpasa ng safe space law o bawal bastos law na pinangunahan mismo ni Senator-Judge Risa Hontiveros kaya dapatg aniyang ligtas na lugar ang Senado para sa mga kababaihan at senior citizen tulad nito.
“So we are believing that that could be a misstatement but still believing that the senate is a safe space. For women like us. And for senior citizens like me.Kasi ay meron rin akong narinig na isang lawyer ang nagsabing dapat mag-retire na ako. Kanya nang tinanong sakin, ano yung comment ko tungkol sa lawyer rin to, sinabi ko sino siya,” ani Kapunan.
Ipinagtanggol naman ni lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro ang kanilang mga kasamahan sa prosecution panel na nagtatrabaho aniya ng husto para maipresenta ng maayos ang mga ebidensya laban kay Dutert.
“I believe that all the members of the prosecution panel are working very hard to be able to present very well the evidence for the prosecution. And I hope we will not be judged on the basis of minor nonsense. Totally irrelevant observations with all due respect sa kanila (senator-judges),” ani Luistro. (Bernard Taguinod)


