Nasa huling puwesto o kulelat ang Pilipinas sa “Big 6” ng Southeast Asia pagdating sa turismo.
Batay sa bagong labas na forecast top destinations ng Pacific Asia Travel Association (PATA) sa Asia Pacific at Southeast Asia para sa taong 2026 hanggang 2028, laglag sa Top 10 ang Pilipinas sa Asia Pacific ranking habang pang-anim ito sa Southeast Asia.
Ang tinaguriang “Big 6” ng Southeast Asia ay ang Indonesia, Singapore, Thailand, Philippines, Vietnam
at Malaysia.
Narito ang top destinations sa Southeast Asia, ayon sa forecast ng PATA:
1. Thailand
2. Malaysia
3. Vietnam
4. Singapore
5. Indonesia
6. Philippines
7. Cambodia
8. Lao PDR
9. Myanmar
Agad namang bumuhos ang reaksiyon ng publiko sa social media matapos lumabas ang nakakadismayang balita.
Ayon sa ilang netizen, sadyang nakapanghihinayang dahil biniyayaan ang bansa ng magagandang likas na yaman at mga baybayin subalit hindi raw ito nama-maximize dahil sa politika.
Narito ang ilan sa kanila:
“Kawawang Pinas lugmok sa turismo naturingang maraming beaches na kelanganan ng mga puti… di ma maximize dahil sa politika.”
“Oh Philippines, what happened to you.”
“Di milestone if 6 ka sa top 6.”


