WebClick Tracer

Patrick Garcia lalong dinikdik; lumang interview ni Jennylyn Mercado hinalukay, inilabas

Patrick Garcia and Jennylyn Mercado from their past Startalk interview resurfacing on social media.

Lalong dinikdik si Patrick Garcia ng mga netizen matapos mahalukay at ilabas uli sa social media ang lumang interview ng dating Talk Show sa Kamuning na “Startalk”.

Inilantad ito sa Threads, kung saan pinutakti ng samut-saring reaksyon, gigil kay Patrick at awa naman kay Jennylyn.

Sa nasabing interview emosyonal na inilahad nang tatlong buwan nang buntis noon na si Jennylyn ang pagnanais nyang makasama si Patrick sa kanyang pinagdadaanan.

Mapapanood sa gitnang bahagi ng panayam na inaasam-asam ni Jennylyn na maging karamay nya si Patrick sa kanyang kalagayan, lalo na ang makasama ito sa pagpapa-check up sa ospital.

Sabi sa feature, tatlong buwan na ang tiyan ni Jennylyn pero nangangayat ito kahit kumakain naman ito.

Sinabi naman ng aktres na “underweight” raw sya dahil sa stress ayon sa doktor.

Laman rin ng paglalahad ni Jennylyn, na wala na raw silang communication ni Patrick. Ibig sabihin hindi na raw sila nagkakausap.

Pero ayon pa kay Jennylyn lagi naman nyang nire-remind si Patrick sa kanyang kundisyon. Yun nga lang, tila dedma ang aktor nong mga panahon na yun.

Sambit nga ni Jennylyn, “kahit man lang tawagan ako..okey na yun sa akin. Kahit hindi nya ako puntahan..kumustahin man lang.”

Naluha si Jennylyn sa pag-asa na magiging maayos sila ni Patrick at pag-usapan kung anuman ang problema para lang sa kanilang anak na si Jazz na ngayon ay binata na.

Lumalabas sa panayam na tila pinabayaan ni Patrick si Jennylyn sa tatlong buwang panahon ng pagbubuntis nito.

Kaya naman awang-awa sa kanilang reaksyon ang mga netizen para kay Jennylyn.

“Grabe ang bait ni Jen. Bat nila ginanun ang mag-ina…”

Mababasa sa comment ang gigil ng marami kay Patrick.

“Tagal na neto pero kakaawa talaga si Jen, walang kabitaw-bitaw si Patrick, deserve nya lang mabash, oks na yon…”

“Nagi-init na naman ang ulo ko sayo. May mga video kami huy!!!”

Pati ang nanahimik na kapatid ni Patrick si Cheska Garcia-Kramer ay nadadawit na rin sa isyu.

“labas nyo dn video clip ng kamalditahan ni Cheska para mapanood ng mga anak nya.”

Tahimik ang kampo ni Patrick at walang indikasyon na nais ng mga itong rumesbak sa mga namba-bash sa kanila. (Rey Pumaloy)