WebClick Tracer

P10.78M puslit na yosi nasabat sa Zamboanga

Mga nakumpiskang smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng P10.78 milyon sa Zamboanga City.

Tinatayang P10.78 milyon halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo ang nasabat sa baybayin ng Barangay Patalon sa Zamboanga City.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), isinagawa ang operasyon sa shoreline malapit sa Puerto Villa Resort noong Setyembre 30.

Narekober ang 72 master case ng assorted cigarettes, ngunit hindi pa natutukay ang may-ari ng kontrabando.

Isinagawa ang inventory sa pakikipag-ugnayan sa Bureau of Customs, Port of Zamboanga, at nakatakdang i-turn over sa ahensya ang mga nakumpiskang sigarilyo para sa kaukulang disposisyon. (AM)