Hindi lang trending kundi kinagigiliwan din si Dennis Trillo sa bago niyang content sa social media na tila patama kay Patrick Garcia.
Ibinida ni Dennis ang kanyang nakakaaliw na vlog sa IG na ipinangangalandakan ang kanyang bitbit na bag.
Mapapanood na pagpasok ni Dennis sa pinto, umariba na siya ng pagbida ng kayang red bag.
Inakala ng mga netizen na simpleng pagbalandra lang ito ni Dennis ng kanyang bag na ayon sa kanya ay nakakahiligan na ng mga gaya niyang lalake ang pagkokoleksiyon ng mga bag.
Pero ang nakasulat nang malaki sa bag ay “Not Today Satan” at “Privileged and & Entitled”.
Kasunod nito ay ang punchline niya sa huli, “Ikaw Ano ang Bag Mo?”
Agad ipinalagay ng mga netizen na ang vlog ay patama kay Patrick dahil sa naka-print sa bag at ang katunog na linya nito na parang “Ikaw, ano ambag mo?”
Dinedma na ni Jennylyn ang mga pahayag ni Patrick laban sa kanya tungkol sa kanilang anak na si Jazz.
Kaya naman ang humihirit ngayon ay si Dennis na asawa ni Jennylyn.
Nauna nang nagpatutsada si Dennis kay Patrick sa kanyang naunang post.
Gaya ng “..naalala mo si Jazz dahil sa pag bash sa anak mo”, at “Dance showdown na lang tayo.”
Tapos sinundan ito ng bago niyang content na “ambag” o “ang bag” vlog.
Mababasa sa IG, sa X at Threads ang reaksiyon ng mga natutuwang netizen na ipinapalagay nilang puksa uli ni Dennis kay Patrick.
“PRIVILEDGED AND ENTITLED’ hahahaha napaka-witty mo Papa Dennis! Wag mo silang tigilan d deserve ni Jen ito.”
“Dennis!!!! What a very brilliant clapback!”
“Love the world play on ambag”.
“Namuksa siya eh!”
“Double kill!”
“Binasa ko talaga nakasulat. hahahaha…iba ka @dennistrillo SPOT ON!”
“Si Patrick Garcia daw ang bag nya LV Lang amVag.” (Rey Pumaloy)


