Dalawang crew member ang nasugatan matapos masunog ang isang motor tanker sa pantalan sa Calaca City, Batangas.
Nangyari ang insidente sa Balayan Distillery Inc. port sa Barangay Talisay noong Miyerkoles ng gabi, Setyembre 30.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagsimula ang apoy sa engine room ng tanker na GINDARA, na may kargang molasses at sakay na 22 crew member.
Rumesponde naman ang PCG, mga bumbero at volunteer upang apulahin ang sunog, habang ipinadala rin ang BRP Malapascua para tumulong sa firefighting operations.
Dinala sa mga medical facility ang dalawang sugatang crew para magamot, habang patuloy pa ang imbestigasyon sa eksaktong sanhi ng sunog. (AM)


