Hindi pinayagang makapasok ang mga miyembro ng media sa pagdinig ng Budget Amendments Review Subcommittee (BARSc) tungkol sa panukalang 2027 national budget.
Ayon sa House Committee on Appropriations, sa halip na makapasok sa mismong pagdinig, inimbitahan ang mga mamamahayag na manood na lamang sa livestream ng hearing.
Hindi sinabi kung bakit hindi pinayagang makapasok ang media sa nasabing pagdinig. (IS)


