WebClick Tracer

Malacañang walang kinalaman sa pag-iimbestiga ni Lacson sa Taguig flood control projects

Senador Ping Lacson habang iniimbestigahan ang mga flood control project sa Taguig City ayon sa pahayag ng Malacañang.

Sarili umanong inisyatiba at walang kumpas ang Malacañang sa ginagawang pag-iimbestiga ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa mga flood control project sa Taguig City.

Inihayag ito ng Malacañang sa harap ng patuloy na pag-iingay ni Senador Alan Peter Cayetano at pagbanat kay Senator Lacson dahil sa pag-iimbestiga sa flood control projects sa kanyang lungsod.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, wala sa karakter ni Lacson na magpadikta at batid ng publiko kung gaano ito kumilos kung may iniimbestigahang mga isyu.

Sinabi ni Castro na ang puwede lamang utusan ng Malacañang ay si DPWH secretary Vince Dizon pagdating mga mga ganitong proyekto.

Malalaman aniya sa mga ebidensiya kung mayroong anomalya sa mga proyekto sa Taguig City.

Hinikayat ni Castro ang publiko na kung may kapasidad na mag-imbestiga sa mga inaakalang anomalya ay makipagtulungan sa gobyerno upang managot ang mga dapat na managot at tularan ang ginagawa ni Lacson sa halip na sa ibabg mga politiko na puro media lang pero wala namang ebidensiya. (Aileen Taliping)